Rape suspect binoga sa ulo

TODAS ang isang rape suspect matapos itong bariln ng ‘di kilalang salarin kaninang umaga sa Sta. Ana, Maynila.

Ayon sa impormasyon ibinigay ni PO1 Jesreel Arboleda ng Manila Police District-Dagonoy PCP, kinilala ang biktima na si Norlito Enriquez, 26.

Naglalakad umano ang biktima sa lugar dakong alas-6:30 ng umaga nang lapitan ito ng suspek sa panulukan ng Hondrada at Familia Sagrada, Sta. Ana, Maynila at walang sabi-sabing binaril sa ulo.

Mabilis namang tumakas ang suspek matapos ang pamamaril kay Enriquez. Isinugod naman sa Sta. Ana Hospital si Enriquez ngunit binawian din ito ng buhay.

Ayon sa pulisya, may kaso umanong rape sa lalawigan ng Quezon si Enriquez at pumunta sa lugar upang magtago at takasan ang kayang ginawa,

Patuloy naman sa isinasagawang imbestigasyon ang pulisya para kilalanin ang suspek at ang motibo ng krimen. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply