Rapist na sekyu natiklo sa Kyusi

HIMAS-REHAS na ngayon ang isang security guard matapos umanong halayin ang isang 16-anyos na kasambahay sa Barangay Central, Quezon City.

Ayon sa report, dakong alas-8:00 kagabi nang magpaalam ang biktima sa kanyang amo na may pupuntahan.

Umaga na umano nang umuwi ang biktima at nanlulupaypay ito.

Nang tanungin ng amo, sinabi ng biktima na ikinulong siya ng 19-anyos na guwardiya na si Norberto Arellano.

Dalawang beses umano siyang hinalay ni Arellano sa tinutuluyan nito.

Agad na dinampot ang suspek ng mga awtoridad.

Gayunman, sinabi ni Arellano na hindi niya ito ginahasa dahil may relasyon silang dalawa.

Itinanggi naman ito ng pinsan ng biktima na kasama rin nito sa trabaho.

Mahaharap pa rin sa kasong panggagahasa si Arellano at kung sakaling mapapatunayan niyang mayroon nga silang relasyon, makukulong pa rin siya sa kasong qualified seduction.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply