Rare minerals nadiskubre sa PPUR

NAKITAAN ng ilang siyentipiko ng rare minerals ang Puerto Princesa Underground River (PPUR) sa Palawan na tiyak na kagigiliwan ng mga turista na maamasyal doon lalo pa’t nakasama ito sa New 7 wonders  of Nature.

Ayon kay Puerto Princesa City Mayor Edward Hagedorn, ang “serrabrancaite” o manganese phosphate ay di pangkaraniwang nakikita sa mga regular na kweba maliban sa Palawan at sa Sierra Branca, Brazil.

“Serrabrancaite is formed from the mineralization of “guano” —the droppings of bats and seabirds that make their homes inside caves,” ayon sa pag-aaral.

Sa hiwalay namang pahayag ni Environment Secretary Ramon J.P. Paje sa website ng ahensya, sinabi niya na ang rare minerals ay kinumpirma rin ng kilalang crystallographer na si Dr. Paolo Forti, na miyembro ng Italian La Venta Geographical Association scientific expedition to the PPUR.

“Cave experts themselves are amazed because only few caves in the world host more than three to four minerals, yet in the PPUR alone, they have unearthed at least 11, of which three are new cave minerals,” ayon kay Paje.

Maliban sa serrabrancaite, ang expedition ay nakadiskubre rin ng dalawa pang mineral, ang robertsite at janggunite.

Ang iba pang common ngunit notable minerals na nakita sa kweba ng PPUR ay ang calcite, gypsum, apatite, variscite, strengite, manganite, rodocrosite at pirolusite.” wika ni Paje.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply