Rason ni Rep. Mikey pa-US balido – Belmonte

KATANGGAP-TANGGAP o balido ang dahilan ni Ang Galing Pinoy partylist Rep. Mikey Arroyo sa pagtungo sa Los Angeles, California upang maisyuhan ng travel authority.

Ito ang paglilinaw ni House Speaker Feliciano Belmonte matapos kumpirmahin na inisyuhan niya ng travel authority si Mikey mula November 14 hanggang December 5, 2011.

Sa panayam kay Belmonte, sinabi niyang “iyon lang naman ang akin eh travel order and if there are other issues other agencies will have to be the one to take care of it. Basta tayo andito lang at hindi tayo ang enforcer nila.  Sila they have their own jurisdiction.”

Nilinaw din ni Belmonte na sa pag-alis ni Mikey ay sariling pondo nito ang gugugulin at walang kahit isang sentimo ang nagmula sa gobyerno.

Inamin din ni Belmonte na sa kanyang pag-iisyu ng travel authority ay hindi niya alam na may kaso nang nakasampa laban kay Mikey at sa asawa nito.

Naunang sinabi ni Mikey na tutungo siya ng US para makipag-usap sa kanyang counterpart at ilang mga negosyante upang mangalap ng pondo para sa kanyang mga programa.

Samantala, ikinatuwa naman ng kampo ni dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang pagpayag ng Quezon City Regional Trial Court na makalabas ng bansa si Mikey.

Sinabi ni Elena Bautista-Horn, tagapagsalita ni GMA na ikinatutuwa nila at naging patas umano ang korte nang payagan si Mikey at ang asawang si Angela na magtungo sa Estados Unidos.

Ayon pa kay Horn, kahayagan lamang umano ito na ang hudikatura ay propesyunal dahil tinitingnan nito ang merito ng kaso at hindi aniya tulad ng executive branch na sinasapawan ang trabaho ng hudikatura sa pagbabawal sa isang indibidwal na lumabas ng bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply