Reblocking ng DPWH tatagal hanggang Lunes

IPINAHAYAG ngayon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na magtatagal pa ng hanggang Lunes ang  isinasagawang concrete reblocking sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila na sinimulan noon pang Huwebes (Nobyembre 10).

Ayon sa ulat, kabilang sa mga kalsadang isinasailalim sa reblocking ng ahensya ay ang bahagi ng Commonwealth Avenue mula sa Zuzuarregui Street hanggang Don Antonio.

Nagpapatuloy rin ang repair sa kahabaan ng Edsa Southbound lane malapit sa West Avenue gayundin sa Katipunan Avenue at C5 sa pagitan ng Richmond Street at ng Eastwood Avenue.

Bukod sa mga nabanggit na kalye, asahan na rin ang reblocking sa Edsa Caloocan o ang Northboudn lane sa Monumento area sa pagitan ng Concepcion Street at Asuncion pati na sa Edsa San Juan area malapit sa  MRT Station.

Magpapatuloy rin ang repair sa West Service Road ng South Super Highway sa Parañaque area tapat ng New Panorama Compound Drive.

Ayon pa sa DPWH, inabisuhan na rin nila ang Metro Manila Development Authority (MMDA) para umalalay sa mga motoristang maaabala ng mga nabanggit na reblocking. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply