Reblocking sa Metro Manila hanggang Lunes pa – DPWH

IPINAHAYAG ngayon ng Department of Public Works andf Higways (DPWH) na magtatagal pa ng hanggang Lunes ang  isinasagawang concrete reblocking sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila na sinimulan noon pang Huwebes.

Ayon sa ulat, kabilang sa mga kalsadang isinasailalim sa reblocking ng ahensya ay ang bahagi ng Commonwealth Ave. mula sa Zuzuarregui St. hanggang Don Antonio Ave.

Nagpapatuloy din ang repair sa kahabaan ng Edsa southbound lane malapit sa West Ave., gayundin sa Katipunan Ave. at C5 sa pagitan ng Richmond St. at ng Eastwood Ave.

Bukod sa mga nabanggit na kalye, asahan na rin ang reblocking sa Edsa Caloocan o ang northbound lane sa Monumento area sa pagitan ng Concepcion St. at Asuncion, pati na sa Edsa San Juan area malapit sa MRT Station.

Magpapatuloy din ang repair sa West Service Road ng South Super Highway sa Parañaque area tapat ng New Panorama Compound Dr.

Ayon pa sa DPWH, inabisuhan na rin nila ang Metro Manila Development Authority (MMDA) para umalalay sa mga motoristang maaabala ng mga nabanggit na reblocking.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply