Recto Bank mas mahigpit na babantayan ng PHL Navy

MAS hihigpitan pa ng Philippine Navy (PN) ang pagbabantay sa Recto Bank (dating Reed Bank) sa West Philippine Sea (dating tinatawag na South China Sea).

Ito ay kasunod ng ulat ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Hawaii. Inihayag ni Pangulong Aquino sa naturang pagtitipon na malaki ang posibilidad na may napakalaking nakaimbak na natural gas sa Recto Bank.

Sinabi ni Lieutenant Colonel Omar Tonsay, tagapagsalita ng Philippine Navy, kayang isama sa pagbabantay ng BRP Gregorio del Pilar ang Recto Bank bukod sa Malampaya.

Tiniyak naman ni Vice Admiral Alexander Pama, flag officer in command ng Navy, na kanilang palalabasin ang barko upang bantayan ang nasabing bahagi ng bansa.

Magugunitang naging kontrobersyal ang Recto Bank matapos baklasin ng Philippine Navy ang mga marker na inilagay ng China noong Hunyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply