Recto pinatataasan ang Chirstmas bonus, 13th month

DAHIL sa patuloy na pagtaas ng mga bayarin at presyo ng mga bilihin sa bansa, nais ni Senador Ralph Recto na taasan ang Christmas bonus at 13th month pay ng mga opisyal at mga kawani ng gobyerno ngayong taon.

Layunin ng Senate Bill number 2879 na inihain ni Recto, na amiyendahan ang National Internal Revenue Code upang mataasan ang ceiling o hangganan ng tax exemption ng Christmas bonus at 13th month pay.

Ipinaliwanag ng senador na kahit na maituturing na tax exempt ang Christmas bonus at 13th month pay ay pinapatawan pa rin ng buwis ang mga opisyal at kawani ng gobyerno na lagpas sa P30,000 ang sahod.

Sa naturang panukalang batas ni Recto, hanggang P60,000 na Christmas bonus at 13th month pay ang magiging exempted sa buwis.

Aniya, dapat na iakma lamang ang bonus at 13th month pay sa inflation at pagtaas ng mga bilihin maging ang standard of living na nararanasan sa kasalukuyan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply