Regine Velasquez nanganak ng baby boy

NANGANAK na ang tinaguriang Asia’s SOng Bird Regine Velazquez kagabi (Nobyembre 8) sa isang malusog na baby boy.

Sinabi naman ng asawang si Ogie Alcasid sa isang panayam na hindi pa sana nakatakdang manganak ni Regine kagabi, ngunit dahil sa tumaas ang blood pressure ng misis ay pinaanak na ito via caesarian section.

Nakasaad rin sa Twitter account ni Ogie (@ogiealcasid) na: “God gave us Nathaniel James. Thank you for the prayers. God bless you all!”

Labis na ikinatuwa ng mag-asawa ang pagdating ni Nathaniel James at nagpasalamat si Ogie sa lahat ng mga nanalangin para sa ligtas na panganganak ng misis.

Ito ang unang anak ni Regine at at pangatlo naman ni Ogie dahil mayroon na siyang dalawang anak na babae sa dating asawang si Michelle Van Eimeren.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply