Registration ng OAV umpisa na ngayon

SINIMULAN na ngayong araw ng Commission on Elections (Comelec) ang pagpapatala ng mga overseas absentee voter (OAV) para sa 2013 midterm elections.

Ayon sa Comelec, gagawin sa lahat ng mga authorized Comelec representatives sa mga embahada at konsulada ng Pilipinas ang registration.

Sa pagpapatala, kailangang magpakita ng mahahalagang dokumento ang overseas absentee voter katulad ng kanyang valid Philippine passport at seaman’s book naman para sa mga nagtatrabaho sa mga barko upang makapagparehistro.

Una ng inihayag ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na magsisimula ang registration mula November 2, 2011 hanggang October 31, 2012.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply