Rehabilitasyon ng NAIA walang kinalaman sa taguring ‘worst airport’

WALANG kinalaman ang taguri ng isang foreign blog na isa sa worst airport sa buong mundo ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kaya’t gagawing world class airport ang Terminal 1 ng paliparan.

Sa pahayag ni Transportation Secretary Mar Roxas, na hindi na bago sa gobyerno ang laitin ang paliparan ng Pilipinas at hindi na bago sa kanilang pandinig ang mga negatibong komento sa NAIA lalo na sa Terminal 1 nito.

“I mean, they have been around for sometimes. So, when I can in to the department, it is one of the priority areas that we work on. It took a little bit of time because the engineering review took time. The accumulating of the resources, finding out where we can get the resources in order to fund it took time,” ayon kay

Sinabi rin ni Roxas, na ayaw naman nila na basta na lamang mag-anunsyo na aayusin ang paliparan ng walang kaukulang pondo at walang technical underpinning o support.

Aniya, minabuti muna nila na makakuha ng kanilang mga tauhan, orihinal architects upang mrebisa at mapag-aralan kung ano ang mga dapat na ayusin sa paliparan.

Inihayag rin ng kalihim na makaka-agapay nila ang Changi airport para sa sistema, daloy, utility at sa utilitarian elements ng management ng airport.

“We have Changi airport who will help up with the systems, the flow, the utility, the utilitarian elements of the airport management. We have the structural engineers who have reviewed what need to be done, in order to preserve structural integrity of the facility and at the appropriate time, we will engage all of the Layug-Pineda and Coponbue suggestions as well as others who made suggestions in order to fix the interior of the airport,” ayon pa kay Roxas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply