Rehabilitasyon sa South Super High Way ‘di agad matatapos

DAHIL kapos na sa panahon, ipinahayag ngayon ng pamunuaan ng Department of Works and Highways (DPWH) na hindi matutuguan ang taning ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na matapos ang rehabilitasyon ng kalsada bago sumapit ang Pasko.

Ayon kay DPWH Secretary Rogelio Singson hanggang sa Disyembre 12 na lamang ang pagkukumpuni sa bahagi ng Buendia South Super High Way pero kakapusin na sila ng panahon.

Ayon kay Singson, naka-schedule na tuwing Biyernes ng gabi hanggang Lunes ng umaga ang pagsasaayos ng naturang kalsada sublit dahil sa sama ng panahon nitong mga nakaraang araw ay natatagalan sila.

Apat na buwan ang inilaaan ng DPWH sa Tokwing Construction para tapusin ang structural safety ng flyover.

Ang P47 milyon na halaga ng proyekto ay alinsunod sa adhikain ni Pangulong Benigno Aquino III na makapagbigay ng ligtas na imprastruktura para sa mga motorista. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply