Reklamo sa barangay chairman

PARAMI ng parami ang barangay chairman sa Maynila ang nagiging pasaway na sa halip na makatulong sa mga residente na nais maghanapbuhay ay sila pa ang nagiging daan upang gumawa ng iligal ang mga mamamayan.

Galit si Manila Mayor Alfredo S. Lim sa ganitong gawain ng mga chairman kaya naman kapag Biyernes, sa kanyang People’s Day, ay pinakikinggan ng butihing alkalde ang hinaing ng kanyang mga mamamayan at kung kaya rin lang lunasan ang reklamo, agad-agad ay hindi na nagpapatumpik-tumpik ito na bigyang lunas ang reklamo.

Mabilis na ipinatatawag ni Mayor Lim ang opisyal ng pamahalaan o opisyal ng barangay na sangkot sa problemang inihihingi ng lunas ng Manileño at kapag wala ito sa oras na iyon ay kaagad na ibinibigay niya ang tungkulin ng paglutas sa problema sa kanyang mga pinagkakatiwalaang tao.

Isa sa madalas na nasa bulwagan kapag araw ng Biyernes o kapag nasa kanyang tanggapan si Mayor Lim ay ang chairman ng Barangay 659-A, Zone 71, District 5 na si Ligaya Santos.

Kaya naman dapat ay hindi siya nagiging dahilan upang maghain ng magreklamo ang
mamamayan.

Isa sa mga reklamo laban kay Santos ay ang pagpapaalis nito ng mga magtitinda sa mismong Arroceros Station ng Light Railways Transit (LRT) bagaman may basbas na mula sa mga kinauukulan sa Manila City Hall.

Parang aso kung palayasin ang nakapuwesto sa lugar na nais lang mabuhay at mapag-aral ang mga anak.

Isa sa mga kagawad ni Santos  ang  nakausap  na ng nagtitinda at naipaki-usap na rin ito sa ilang paham sa tanggapan ni Mayor Lim na kaagad namang inaprubahan ng kagawad kasabay ng sabi na ipararating na rin niya ito sa kanilang punong barangay.

Subalit pagsapit ng araw nang pagpuwesto ng magtitinda ay kaagad na pinalayas ito ng paboritong kagawad ni Santos na nag-ngangalang Kagawad Robert na tila naghihintay naman ng lagay mula sa magtitinda.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply