Reklamo sa mga doktor sa PNP hospital (2)

DAPAT sigurong paimbestigahan ni PNP chief Dir. Gen. Nicanor Bartolome ang kawalan ng nagdyu-duty sa PNP hospital para hindi naman mawalan ng tiwala ang mga pulis sa kasamahan nilang nakatalaga rito.

Dapat mabatid ng mga pulis na ito na pawang nakapasok sa PNP dahil sa kanilang natapos na sinusuwelduhan sila para magsilbi at bawal ang double compensation. Hindi lang sa mga nakatalaga sa PNP Hospital ito dapat gawin ni Bartolome subalit sa lahat ng unit o division ng PNP na may mga pulis at empleyado na pawang may sideline o nag-mu-moonlight upang kumita ng doble.

Kaya nga unti-unting tinataasan ng pamahalaan ang kanilang suweldo para hindi na sila mag-moonlight na nagiging dahilan upang mapabayaan nila ang kanilang trabaho sa gobyerno na nagiging daan naman para batikusin ang administasyon ng sinomang nakaupong lider.

Sabi pa ng pulis, umaga pa kinuhanan ng mga eksaminasyon ang kanyang mga anak subalit alas-4 na ng hapon ay hindi pa rin nabibigyan ng nararapat na gamot dahil nga walang doktor na magbibigay ng reseta.

Napilitan siyang kulitin ang nurse na naka-duty na kaagad tumawag sa on-duty doctor na wala roon sa halip ay nasa sarili niyang clinic na nagbigay din ng reseta na anti-biotic bagaman hindi pa nakikita ang pasyente.

Hay naku! Paanong hindi mapipikon ang pulis sa nasabing ospital?

Ako man ang nasa kalagayan ng pulis ay talagang magwawala na ako sa galit dahil buhay ng mga bata at pasyente ang nakasa-laylay sa usaping ito.

Gen. Bartolome, nawa’y bigyang pansin ng pamunuan mo ang reklamong ito dahil buhay ang nakasalalay dito at nasasayang lang ang ipinasusuweldo ng gobyerno sa mga taong nasa serbisyo subalit hindi naman sinusulit ang ipinasasahod sa kanila na mula sa buwis ng taumbayan.

Nais ninyong ibahagi ang inyong karanasan sa opisyal at tauhan  ng pulisya o pamahalaan at pribadong indibidwal? Maaari  kayong magtext sa 09215175814 o mag-email sa Santi_lean11@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply