Relasyong KC-Piolo, one sided

CRY me a river ang eksena ni KC Concepcion nang interbyuhin ni Kuya Boy Abunda sa The Buzz last Sunday.

Two years raw na off and on ang kanilang relasyon and in the process, she tried dating other guys but after two years, muling bumalik daw si Piolo Pascual sa kanya telling her that, “He wants to know me more. Wants me to give him another chance.”

Babae lang daw siyang kinilig nang sobra kaya bumigay na rin in the process.

“Ikaw ba naman ligawan ng somebody na singgwapo ni PJ, how would you react?” she says in retrospect.

Anyway, kung marami ang friends niyang against sa relasyon nila ni Piolo, the same thing could be said supposedly with his circle of friends.

At any rate, since they were supposedly in love, nagdecide raw silang huwag na lang pansinin ang ibang tao.

“I trust you,” say raw niya sa kanyang Papa P., “kung ano ang sabihin mo, ‘yan ang paniniwalaan ko.”

In retrospect, naging mature raw siya sa kanilang relasyon at lahat ay natanggap niya dahil mahal niya si Piolo.

Bigay lang daw siya nang bigay.

But admittedly, ang dami raw niyang natutunan pero ang lahat ay sinarili lang niya dahil hindi naman talaga siya ang tipong makwento ng mga problema sa kanilang relas -yon hangga’t kaya pa niya.

Some two or three months ago, ang feeling daw niya’y di na raw kailangang malaman ng ibang tao ang kung anumang problema nila.

Pero sa ngayon, di na raw talaga niya kayang mag-isa.

Basta ang pina-statement ni KC ay, “PJ knows exactly why we parted ways.”

May iba na raw kasi siyang na-realize.

Ows? What’s that kaya if I may ask?

Well, ang sabi ni KC, “May mga hinahanap akong basic sa isang lalake.”

Lahat naman daw ay tinanggap niya in as far as Piolo’s concerned. Ang anak nito, ang mood swings na nakaririndi, ang mga bagay na di na raw niya kayang tanggapin, tineyk din niya.

After all, “Gusto ko ‘to, di ba?” she avers.

Ang di lang daw niya nagugustuhan ay ang pagiging galit ng dati-rati’y sakit at sama ng loob na kayang nararamdaman.

Anyway, looking back, ang tindi raw ng naramdaman niyang challenge habang nagtu-tour sila sa States ni Piolo. “Everyday ng tour,” she reminisces, “parang test. Parang exams.

“He knows exactly why I was feeling that way,” she adds stoically. “Araw-araw na nagkakasama kami, parang tug-of-war.

“Sobra akong nasasaktan.”

Sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman, prayers lang daw ang nakatutulong sa kanya.

“Never pa akong nakapagdasal nang sobra-sobra!” she musingly states.

Anyway, tanggap na raw niyang di talaga siya ang kailangan ni Piolo sa buhay nito.

“Sana’y makahanap ako ng true love,” she wishfully states.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply