Relic ni JP2 tampok sa Marian and the Saints exhibit

KABILANG ang mga relic ni Blessed John Paul II (JP2) at iba pang milagrosong santo sa ika-anim na Marian and the Saints exhibit sa SM Mall of Asia sa Pasay City mula noong Nobyembre 7 hanggang 29.

Sa pamamagitan ng naturang exhibit na inorganisa ng church-run Radio Veritas 846 at matatagpuan sa ikalawang palapag ng Entertainment Center ng naturang mall, ay maaari nang personal na makita, magdasal at humingi ng grasya at kagalingan ang mga deboto mula sa mga naturang relic.

Ayon kay Father Anton Pascual, ng Caritas Manila at pangulo ng Radio Veritas, ang mga relic ay paalala na ang Panginoong Hesukristo ay nasa ating buhay at puso.

Maaari aniyang magdasal sa mga ito at hingin ang kanilang intercession para matulungan ang mga tao na matupad ang hinahangad na healing miracles.

“Relics of Blessed JP-2 remind us that God is with us thru his beloved Pope. Praying thru his intercession will truly reverberate in heaven and effect healing miracles for all devotees,” ayon kay Fr. Anton.

Kumpiyansa si Fr. Anton na sa pamamagitan ng taimtim na pagdarasal kay Blessed JP2 ay makakamtam ang kagalingan, na siya ring magiging daan upang mapabilis na mai-canonized ang yumaong Santo Papa bilang Santo.

Kabilang sa mga relic ni Blessed JP2 na kasama sa exhibit ay ang dalawang blood particle na nasa pangangasiwa ng John Paul II Seminary sa Antipolo City at Diocese ng Malolos.

Matutunghayan din sa exhibit ang “pectoral cross at Episcopal ring” ni Blessed JP2 na ibinigay nito kay Cubao Bishop Honesto Ongtioco gayundin ang rosaryo na ibinigay kay UST Public Affairs director Prof. Giovanni Fontanilla at dating secretary Robert Aventajado.

Tampok din ang mga medalya na ibinigay ni Blessed JP2 kay Tony Adriano ng ito ay magiging Papal valet at Papal chair na ginamit nito noong 1995 World Youth Day na ginanap sa Quirino Grandstand na dinaluhan ng mahigit-kumulang sa limang milyong kabataan.

Nasa Marian and Saints exhibit din ang mga relic nina Bishop and Doctor of the Church na si St.Alphonsus Liguori, St Maximilian Kolbe, St.Louis de Monfort, Doctor of the Church St. Augustine of Hippo, St. Peter Damian, St. Bernard of Clairvaux, St. Thomas Aquinas, St. Faustina Kowalska, St. John Marie Vianney, St. Francis de Sales, St. Bonaventure, St. Pio of Peitrelcina, St. Therese of the Child Jesus, St. Anthony of Padua, St. Pope Pius X, St. Teresa of Avila, St. Philip Neri, St. Catherine of Siena, St. Pius IX-Pope of the Dogma of the Immaculate Conception, St. Dominic Savio, St. Francis Xavier, St. Peter Julian Eymard, St. Pius V-Pope of the Holy Rosary, St. Vincent Ferrer, St. Anthony Claret, St. Albert the Great, St. John Bosco, St. Catherine Laboure-Daughter of Charity, St. Bernadette Soubirous, St. Dominic de Guzman, St. Simon Stock, St. Francis of Assisi, St. Francisco and Jacinta Marto, St. Hannibal Maria de Francia, St. Veronica Guillani at marami pang iba. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply