Reporter tinambangan sa CDO

NASUGATAN ang isang chief of reporters ng Bombo Radyo-Cagayan De Oro nang tambangan ng mga hindi pa kilalang suspek kagabi sa naturang lugar.

Batay sa report, pauwi na mula sa kanyang programa si Michael James Licuanan nang salubungin at pagbabarilin ng mga armadong lalaki.

Nilalapatan ng lunas sa ospital ang biktima bunga ng sugat sa likod at tiyan.

Kilala si Licuanan bilang James Dacoycoy sa kanyang mga tagapakinig sa Cagayan de Oro

Hinala ng awtoridad na ang kaliwa’t kanang kampanya at pagbatikos ni Licuanan sa mga taong nasa likod sa pagbebenta ng ilegal na droga ang dahilan ng pamamaril.

Kinondena ng mga mamahayag ang insidente, lalo’t nangyari ang pamamaril isang araw matapos ang paggunita ng Maguindanao massacre. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply