Residential area sa Caloocan nasunog

KANYA-KANYANG hinakot ng mga residente ang kanilang mga gamit makaraang magkasunog sa isang residential area sa Caloocan City, umaga ng Huwebes, Nobyembre 10.

Dahil sa sunog na hindi pa batid ang pinagmulan, nagdulot ito ng trapik sa Samson Road, naturang lungsod.

Batay sa report ng dzBB, tumulong na ang ilang residente sa mga rumespundeng bumbero na apulahin ang apoy na umabot na sa third alarm bandang 9:40 am.

Kasalukuyan pang inaalam ng mga imbestigador ang sanhi ng sunog.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply