Retiradong guro tusta sa sunog sa Iloilo

NASAWI ang isang retiradong guro makaraang ma-trap sa nasunog nitong dalawang palapag na bahay sa Poblacion, New Lucena, Iloilo kaninang madaling-araw, Nobyembre 22.

Ayon sa isang residente sa naturang lugar na si Walter Elizalde Candami, na-trap sa kanyang dalawang palapag na bahay ang biktima na si Petronila Manzano, 70 nang masunog ito bandang alas-2:00 kaninang madaling-araw.

Hininala namang nagmula ang apoy sa sinindihang kandila dahil nagkaroon ng power blackout sa lugar kung saan kasama ng biktima sa naturang bahay ang dalawang matanda na kapatid at bayaw nito ngunit mapalad na nakaligtas.

Kasalukuyan pang inaalam ng Bureau of Fire Protection ang halaga ng iniwang pinsala sa sunog.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply