Reunion project nina Sharon, Gabby posible sa TV5

MAY kaibigan kami na guwapung-guwapo sa abugado ng dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na si Raul Lambino.

Mukhang aktor daw ito sa kaguwapuhan. Pwedeng-pwede sa mga teleserye.

Sigurado kaming guwapo rin ang mga anak na lalake ni Atty. Lambino. Dahil ang isa ru’n ay naging bahagi ng showbiz: ang singer na si Tony Lambino na naging miyembro ng Smokey Mountain singing group na kinabilangan din ni Geneva Cruz. Si Ryan Cayabyab ang manager-mentor ng Smokey Mountain. Tsinito at maputi si Tony. Mukha siyang Intsik. He probably got his looks from his mother’s side. Guwapung-guwapo nga ang magaling n’yang ama, pero sa paraang Pinoy na Pinoy.

Panandalian ding nagkaroon ng solo career si Tony nung magkanya-kanya na ang mga miyembro ng Smokey Mountain.
Pero mas pinagtuunan siguro n’ya ng pansin ang pag-aaral n’ya kesa ang pagsyu-showbiz. Sa Ateneo de Manila University siya nag-aaral noon, at schoolmate sila ng teenager pa rin noon na si Mikee Cojuangco. Madalas nga silang magkasama noon sa showbiz functions, pero di kami sigurado kung naging college sweethearts sila. Ang isang dahilan na lagi silang magkasama ay ang pagkakaroon nila noon ng isang manager: si Girlie Rodis.

Hindi namin alam kung nasaan ngayon si Tony Lambino at kung ano ang propesyon n’ya. Pero sa mga interesado sa kanya, baka naman mahanap n’yo pa rin siya kung igu-Google n’yo ang pangalan n’ya. Malay n’yo baka may Facebook account siya.

Speaking of Facebook, natutuwa kami’t sa tulong ng social networking site na ito ay nahanap ni Lola Aurelia ang nawawala n’yang mister na medyo nag-uulyanin na. Bravo kay Red J na siyang unang nag-post sa Facebook ng picture ni Lola Aurelia na nakaupo sa isang kanto habang may nakadikit sa likod at harap ng damit n’yang litrato ng nawawala n’yang mister.

Nakarating sa media ang panawagan ni Red J sa Facebook at ang isa sa tumugon ay si Kara David ng GMA-7 at GMA News TV. Nag-announce siya ng cellphone number na pwede siyang i-text kung may nakita silang matandang lalake na tumutugon sa deskripsyon ni Lola Aurelia ng mister n’yang di n’ya namalayang nakababa pala ng bahay nila. Hinanap ni Kara ang ang bahay ni Lola Aurelia at natagpuan n’ya ito sa Pasay. Sinamahan n’ya si Lola Aurelia na puntahan ang mga lugar na nai-text sa kanya na may namataang matandang lalaki na parang nawawala. May mga palpak na tip, pero nung Martes, pagkatapos ng dalawang linggong pagkawala ng matandang lalaki, natagpuan din nila ito. So, again, Red J, bravo sa pagmamalasakit mo. (Hindi na ini-reveal kung sino si Red J at kung ano siya.)

Oo nga pala, alam namin na matagal nang ipinu-promote ng GMA-7 ang responsableng paggamit ng social networking media. Gumawa pa nga sila ng special kung saan itinampok nila ang ilang kabataan na matagumpay na gumawa ng mga proyektong nakatulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng social networking media (marami pa pong iba, bukod sa Facebook).

* * *

KAMAKAILAN ay nabanggit namin na ang pamosong human rights lawyer na si Rod Domingo ang ama ng aktor na si Cogie Domingo na nawawala na naman sa showbiz scene. Pero lumutang na siya uli. Nasa cast pala siya ng latest mini-series ng TV5 na nagtatampok sa isa sa original stars nito na si Gabby Concepcion. Hindi kami nakumbida sa presscon kaya di namin napag-alaman kung ano ang papel ni Cogie sa TV remake na ito.

Samantala, mukhang sa TV5 magaganap ang reunion project ng dating mag-asawang Gabby at Sharon Cuneta. Bagama’t wala pang official announcement ang network ng bilyonaryong si Manny Pangilinan, parang totoong lilipat na ru’n ang megastar. (Nakalipat na, Dhan. Talk of the town ito ngayon. – Ed)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply