Revamp kumpirmado, 2 gabinete apektado

IPINAHAYAG ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang pagbabalak nitong pagrerevamp sa kanyang gabinete na possible umanong tamaan isa o dalawang gabinete.

Ayon sa Pangulo sa kanyang pakikipagdaupang-palad Philippine media delegation kagabi oras sa Hawaii, posibleng isa, hanggang dalawang miyembro ng gabinete ang tatamaan ng nasabing revamp ngunit hindi naman tiniyak ng Pangulo kung miyembro ng economic team ang kanyang ililipat dahil sinabi nitong hindi kailangang ‘ayusin’ ang isang tanggapan kung hindi naman ‘sira.’

Nabatid pa sa angulo na hindi dahil magpapatupad na siya ng reshuffle ay nangangahulugang palpak na ang aalisin o ililipat na opisyal.

Maaaring nagawa na ng nasabing opisyal ang kanyang pinagagawa sa loob ng mahigit isang taon at kailangan niya ang kanyang talento sa ibang tanggapan

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply