Reward money sa Pempengco slay case dinoble

ITINAAS na sa P200,000 mula sa P100,000 ang reward sa sinumang makapagtuturo sa pumatay sa tatay ng international singer na si Charice Pempengco.

Ito ay makaraang bigo pa rin ang binuong Task Force Pempengco ng Laguna-PNP na mahanap ang suspek sa pagpaslang sa ama ng Filipina singing sensation.

Ayon kay San Pedro, Laguna Police chief, Supt. Kirby John Kraft, tinungo na ng kanilang team ang Bondoc Peninsula sa Quezon Province para hanapin ang suspek na si Angel Capili.

Ayon sa opisyal, nakatanggap kasi sila ng impormasyong may kaanak sa area ang suspek.

Pero tanging ang kapatid lamang umano na si Armando ang kanilang naabutan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply