Reward money sa ‘Ramgen slay’ ibibigay na

MAGPUPULONG muna ang mga opisyal ng Parañaque City police upang pag-aralan ang isusumite na rekomendasyon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) kung sino-sino ang dapat makatanggap ng P.5 milyong pabuya na naging daan ng pagkakalutas sa pagpaslang kay Ramgen Revilla.

Ayon kay Parañaque police chief Sr. Supt. Billy Beltran, nasa pangangalaga na ni DILG Secretary Jesse Robredo ang P500,000 pabuya na ipinagkaloob ni Senator Ramong “Bong” Revilla Jr. para sa sinumang makapagtuturo sa mga suspek na pumaslang sa kanyang kapatid sa ama na si Ramgen at malubhang nakasugat sa kasintahan nitong si Janelle Manahan.

Ayon kay Beltran, bumuo na sila ng isang lupon na magsasagawa ng pag-aaral kung sino-sino ang dapat pagkalooban ng naturang pabuya bago magsumite ng rekomendasyon sa kalihim.

Tiniyak naman ni Parañaque police Intelligence chief Chief Insp. Ferjen Torred na tiyak nang makakabilang si Ruel Puzon sa mga pagkakalooban ng pabuya bagama’t hindi naman aniya mapupunta ang lahat ng salapi sa naturang testigo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply