RH bill hindi maipapasa ngayong taon

INAMIN ngayon ni House Majority Floorleader Neptali Gonzales sa harap ng mga mamamahayag na hindi maipapasa ang Reproductive Health Bill sa Kamara ngayong taon kahit matapos ang plenary debate hinggil dito.

Sa ginanap na press conference, inamin nito na maaaring sa susunod na taon na maisalang muli sa proseso ang kontrobersyal na RH bill dahil sa dami ng mga dapat pang asikasuhin.

“Do not expect to pass RH this year even after debate, by next year then we go individual voting for period of  amendment,” ani Gonzales.

Aniya, mahirap talaga na maipasa ang naturang panukala.

Hindi naman masabi ni Gonzales ang totoong dahilan kung bakit mahirap ipasa ang panukala kahit na may 97 mambabatas ang nag-sponsor dito.

Samantala, maging ang kontrobersyal na panukalang Charter changer (Cha-cha) ay nanatili pa ring nakabinbin sa  komite kaya hindi pa rin ito umuusad sa Kamara kahit na ito ay napag-usapan sa LEDAC na isa sa mga priority bills.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply