RH Bill, pakay ni Clinton sa pagbisita sa Pinas

MALINAW na ang dahilan ng pagbisita ni US Secretary of State Hillary Clinton sa bansa ay upang muling palakasin ang pagsusulong na maisabatas ang Reproductive Health Bill.

Ito ang paniniwala ni Rev. Fr. Melvin Castro, executive secretary ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP)-Episcopal Commission on Family and Life.

Ayon kay Fr. Castro, pini-pressure na nang Amerika si Pangulong Benigno Aquino III para isabatas ang RH Bill.

Kaugnay nito, nanawagan ang pari sa mga mananampalatayang Katoliko na gamitin ang social media gaya ng Facebook, text messages, Twitter at iba pa para maiparating kay Clinton ang mariing pagtutol sa panukalang batas.

“Well, hindi ako sigurado kung ano ang personal agenda niya? Pero hindi mawawala sa ating isipan na kung anuman ang pakay ng Secretary of State ng Amerika, lalabas at lalabas sa usapan nila ang RH Bill. Sinabi mismo ni Clinton na isa sa kanyang primary agenda ay i-push sa buong mundo ang reproductive health kasama doon ang abortion na maging karapatan ng buong mundo. tinitingnan natin ito na napakalaking tsansa sa pagbisita niya sa bansa at tiyak na mababanggit ito at mababanggit sa usapan nila ng pangulo.”

Hiniling ni Castro sa publiko na ipagdasal si Pangulong Aquino upang pag-isipan ng maayos ang nasabing usapin dahil aniya, ang mga bansang nagpa-populution control ang siyang nakakaranas ngayon ng economic crisis dahil sa tumatanda na ang kanilang populasyon.

Naniniwala rin si Human Life International executive director Dr. Rene Bullecer, na pagsusulong sa RH bill ang tunay na pakay ni Clinton sa kanyang pagbisita sa Pilipinas.

Ayon kay Dr. Bullecer, matagal ng hangarin ng Amerika na maipasa ang RH Bill para makontrol ang populasyon at maipasok ang kanilang mga pharmaceutical companies na gumagawa ng contraceptives.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply