Rider utas sa binanggang poste ng LRT

TIGOK ang isang lalaki matapos salpukin ng minamanehong motorsiklo ang poste ng Light Rail Transit sa Caloocan

City, kaninang madaling-araw.

Dead on the spot sanhi ng mga pinsala sa ulo at katawan si Romel Castillo, 25, ng Mauban, Quezon City.

Sa ulat, alas-3:45 ng madaling araw,  binabagtas ng biktima ang Rizal Avenue Ext., at pagsapit sa 9th Ave., ay bigla na lang sumalpok sa poste ng LRT ang dalang Rusi (8960 OD).

Sa lakas ng pagsalpok ay tumilapon ng ilang metro  ang biktima na naging dahilan ng kanyang agad na kamatayan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply