Riding-in-tandem sugatan sa engkwentro sa Tagaytay

SUGATAN ang dalawang lalaki na nakasakay sa motorsiklo matapos na maka-engkwentro nito ang mga awtoridad sa bahagi ng Maharlika East sa Tagaytay City.

Sinabi ni Tagaytay City Police Chief Cosme Abrenica, ang dalawang suspek ay hinihinalang sangkot sa holdapan sa Batangas kaya sila hinarang ng mga pulis.

Ngunit pumalag ang mga suspek at nagpaputok at sa puntong ito nagsimula ang pagpapalitan ng putok.

Nasugatan ang dalawang suspek sa naganap na barilan na agad na naisugod sa ospital.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply