Right to travel hindi nga absolute – Topacio

MISMONG ang abogado na ni dating First Gentleman Mike Arroyo na si Atty. Ferdinand Topacio ang sumang-ayon kay Supreme Court (SC) Associate Justice Ma. Lourdes Sereno na hindi absolute ang right to travel.

Sa oral argument sa Kataas-taasang Hukuman, sumang-ayon din si Topacio kay SC Justice Associate Antonio Carpio na may inherent power ang tatlong sangay ng pamahalaan na pigilan ang pagbiyahe ng isang tao bagama’t walang batas para rito.

Nakasaad aniya kasi sa Konstitusyon na posibleng pigilan ang right to travel kapag sangkot ang usapin ng national security, public safety at public health.

Kabilang sa mga inihalimbawa ni Carpio na inherent power ang pagpigil ng Immigration officer na makalabas ng bansa ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) kung hindi ito nakarehistro sa Philippine Overseas Employment Adminstration (POEA) at pagpigil sa pagbiyahe ng isang tao kung ito ay may subpoena para humarap sa isang legislative inquiry.

Sa usapin naman ng legalidad ng Department Circular No. 41 ng Department of Justice (DOJ) na pinagbasehan ng watchlist order (WLO) laban sa dating unang ginoo, sinabi ni Topacio na hindi nag-apply ng allow departure order (ADO) ang kanyang kliyente dahil hindi nila ito kinikilala na naaayon sa Department Circular No. 41.

Gayunman sa pagtatanong ni Justice Bienvenido Reyes, umanin si Topacio na valid ang Department Circular No. 41 hangga’t hindi ito idinideklara ng SC na labag sa konstitusyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply