Risk mapping tatalakayin sa media safety conference

ILANG araw na lamang bago ang ikalawang taon anibersaryo ng karumaldumal na Maguindanao massacre kaya naman magsasagawa naman ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ng dalawang araw na media safety conference sa Nobyembre 20-22.

Tatalakayin sa media safety conference ang risk mapping session na sesentro sa mapeligrong kakaharapin ng mga mamamahayg sa kanilang mga trabaho, lugar na pinagtatrabahuan, presensiya ng mga armadong grupo, estado ng lokal na politika at iba pang mga isyu.

Ito ay bilang bahagi sa nalalapit na pagdiriwang sa ika-dalawang anibersaryo ng Maguindanao massacre na ikinamatay ng mga 58 katao na kinabibilangan ng 36 na miyembro ng media.

Bukod dito, nakatakda ring bumisita ang grupo ksama ang ilang pamilya ng mga biktima sa massacre site sa Sitio Masalay, Barangay Salman, Ampatuan, Maguindanao sa Nobyembre 22.

Ayon kay Rowena Paraan, secretary general ng (NUJP), tutungo rin sa lugar ang mga mamamahayag mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa para magbigay tribute sa mga media practitioners na nasawi.

Importante umanong tutukan ng media ang kaso at patuloy ang pag-monitor para sa development ng kaso at mahalagang makibahagi sa kampanya para makamit ang hustisya para sa mga biktima ng massacre. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply