RJ Bautista babasahan na ng sakdal sa Nob. 16

BABASAHAN na ng sakdal si Ramon Joseph “RJ” Bautista para sa kasong murder at frustrated murder laban sa kanya.

Si RJ Bautista, ang isa sa mga pangunahing suspek sa pagpatay sa kanyang kapatid na si Ramgen Revilla.

Ang kaso ay naisalang sa sala ni Paranaque Regional Trial Court Branch 274 Judge Fortunito Madrona.

Una rito, hiniling ng mga abogado ni RJ na maisailalim ito sa inquest proceedings dahil iligal umano ang pag-aresto sa kanya ng mga awtoridad dahil walang warrant of arrest.

Kaugnay ng kaso, hindi na humarap sa isinagawang preliminary investigation ang dalawa pang mga suspek sa kaso ng  pagpatay kay Ramgen.

Ayon sa Parañaque City Police, tumanggi ng sumalang sa proseso sina Michael Altea at Roy Francisco Tolisora matapos namang hindi makasipot ang abogado ng mga ito.

Itatakda muli ang preliminary investigation sa kaso ng dalawa, bukas (Miyerkules, Nobyembre 9).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply