RJ Bautista babasahan ng sakdal ngayong araw

BABASAHAN na ngayon ng kasong murder at frustrated murder sa Parañaque City Regional Trial Court (RTC) si Ramon Joseph Bautista kaugnay ng pagpatay sa kanyang kapatid na si Ram Revilla.

Nakatakda ring dinggin ng korte ang motion to quash the information na inihain ng kampo ni RJ Bautista matapos ibasura ni Prosecutor Leah Roma ang kanilang petisyon na mapalaya si RJ habang dinirinig ang
kaso.

Samantala, itinuro ng magkasintahang suspek na sina Glaiza Visda at Norwin dela Cruz si alyas “Bryan” na nagbabanta na sila’y papatayin kapag lumutang at ilahad ang nalalaman sa pagpatay kay Ram.

Hirap na hirap din umano sila sa pagtatago at palipat-lipat sila ng motel kada 12 oras.

Naisip na rin umano ng magkasintahan na magpakamatay para matakasan ang kinasasangkutang kaso.

Iginiit naman ni Visda at Dela Cruz na nakahanda silang ilabas ang lahat ng kanilang nalalaman upang mabigyang-linaw sa pagpatay kay Revilla. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply