Road Warriors, Freego Jeans na-upset

DALAWANG bigating team – North Luzon Expressway Road Warriors at Freego Jeans ang sumablay nang gibain sa magkasunod na malalaking upsets ng Big Chill, 85-83, at ang league-leading Freego Jeans na hinaburan ng DUB Unlimited sa iskor na 62-78 sa PBA D-League Aspirants Cup sa Trinity Univesity of Asia Gym kagabi (Nobyembre 24).

Pumuntos sina Charles Jensen ng 21 habang ang 15 ni Raffy Reyes, 13 ni Elliot Tan, 8 ni Jerry Glorioso ang naghatid sa 85-83 manipis na panalo ng koponan ni coach Arsenio Dysangco.

Ginulat naman ng DUB Unlimited ang nangungunang Freego Jeans sa nakapanlulumong 78-62 sa pangunguna nina Marlon Gomez na bumuslo ng 19 at Jake Pascual ng kumalawit ng 11 boards.

Ang panalo ay kauna-unahan ng DUB Unlimited habang una namang kabiguan ng Freego Jeans na may 5 diretsong panalo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply