Robin sinugod si Zanjoe?

HINDI maiwasang maitanong kay Robin Padilla ang tungkol sa naging issue nila ni Zanjoe Marudo noong nakaraang buwan na diumano’y sinugod niya ang aktor sa Manila Pen pagkatapos ng Star Magic Ball.

“Sinugod? Aba, si Andres Bonifacio lang ang sumusugod,” natatawa niyang sabi nang makatsikahan namin sa bago niyang sitcom TODA MAX ng ABS-CBN 2. “Hindi, hindi totoo ‘yun.”

Pero inamin naman ng aktor na nagpunta siya sa nasabing hotel at kasama pa niya ang asawang si Mariel Rodriguez.

“Bakit naman ako susugod, kasama ko pa si Mariel? Kasama ko si Mariel na nagpunta roon. Binisita lang natin si Diether (Ocampo), kwentuhan lang. Kaibigan ko kasi si Diether,” sey ni Binoe.

Pero may laman ang sumunod na binitiwang salita ng action star.

“Ako’y walang masamang kanin kahit kaninong tao. Ang gusto ko lang ipaalala sa mga bagong artisa at sa mga kaibigan ko noong araw pa, ‘yung mga sinasabi lang sa atin, lagi tayong mag-iingat.

“Kasi iba na ngayon, mayroon nang cellphone, mayroon nang Twitter, ang dami nang komunikasyon na siguradong makakarating sa akin.

“At ako ang isang taong pag nakarating sa akin, hindi ko pwedeng palagpasin. Medyo ingat lang.”

Pero willing pa rin ba siyang makasama sa isang project si Zanjoe?

“Oo, eh ako nga naglalakad nu’n. Oo, ako’y interesado kasi napakagandang konsepto. Kaya sana, matupad.”

Samantala, naitanong din sa action star kung bakit wala siyang leading lady sa Toda Max. Sagot niya, “eh syempre, una, respeto kay Mariel. Kasi alam ng lahat na si Mariel ang leading lady ko sa sitcom. May publicity na ‘yun, nagka-anohan na ‘yun. Kaya nang natuloy ‘to nang wala si Mariel, sabi ko, siguro si Vhong (Navarro na kasama niya rin sa sitcom) ang may leading lady. Sasawsaw na lang ako. Kasi, medyo respeto sa asawa ko.”

-0o0-

BET pala ng singer na si Mark Alain si Kris Aquino. In fact, kung bibigyan nga raw siya ng chance na ma-try ang acting, ang gusto niyang makasama ay ang Queen of All Media.

“She’s very smart and I love the way she talks. I love her opinions. I think she’s very balanced in her views,” say ni Mark nang makausap namin sa presscon para sa kanyang self-titled solo album under Sony Music Entertainment.

Actually, hindi naman bagito si Mark sa music industry. Dati siyang bokalista ng bandang Frio at ilang taon din siyang nagtagal dito bago niya naisipang mag-solo.

When asked kung bakit niya iniwan ang Frio at nag-decide na magsolo, aniya, “kasi the band is pop alternative. I felt that I could not maximize my potential as a pop ballad singer kung nasa band ako doing alternative which I’m not very good at.”

Gwapo si Mark at may height kaya pwedeng-pwede rin siyang mag-artista. Bukas naman siya sa mga offers kung sakali.

“Given the chance, why not? I’m very open to that. I don’t have any experience in acting but I’m very open to undergo workshops to learn more about the craft.”

Carrier single ng album ni Mark ang Maghihintay na na-nominate na ‘Song of the Year’ ng Star Awards for Music at parati nga itong tinutugtog sa radio pati na ang isa pa niyang single na Sa Piling Ko. Kasama rin sa album ang Binibini, Magpakailanman at Loving You.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply