Robredo: Arrest warrant di maisisilbi ngayon kay GMA

HINDI maisisilbi ngayong gabi ang warrant of arrest laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para sa kasong electoral sabotage na isinampa kanina ng Commssion on Elections (Comelec) sa Pasay Regional Trial Court.

Ito ang sinabi ni Interior Secretary Jesse Robredo.

Ayon kay Robredo, nakikipag-usap ang pamahalaan sa pamilya ni Gng. Arroyo, partikular kay Rep. Dato Arroyo tungkol sa magiging arrangement sa pagsisilbi ng arrest warrant sa dating Pangulo.

“We want to be considerate. Ayaw naman namin na minamadali,” dagdag ni Robredo.

Samantala, inihayag rin ng Kalihim na updated si Pangulong Benigno Aquino III ukol sa mga kaganapan kay dating Pangulong Arroyo.

Ito aniya ay sa pamamagitan ni Executive Secretary Jojo Ochoa.

Si Pangulong Aquino ay kasalukuyang nasa Indonesia kaugnay ng 19th ASEAN Summit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply