Rollback mamaya, ikinasa ng oil companies

MULING magbabawas ng presyo ng produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis epektibo dakong 12:00 ng hatinggabi mamaya.

Ito’y matapos mag-abiso kahapon ang Pilipinas Shell na magbawas halagang P0.80 sentimos kada litro sa kanilang unleaded gasoline at .70 sentimos kada litro sa kanilang regular gasoline at P1.15 sa kanilang kerosene at P1.50 kada litro sa kanilang diesel.

Inanunsyo rin ng Chevron ang 80 sentimos kada litro na tapyas sa kanilang gold at silver, 70 sentimos sa regular gasoline at P1.50 kada litro sa diesel.

Ang Sea Oil naman ay nagbawas ng halagang 80 sentimos sa unleaded gasoline, 70 sentimos sa kanilang regular gasoline at P1.50/liter ang ibabawas sa diesel.

Ang nasabing oil price rollback ay bunsod pa rin ng pagbaba ng halaga ng langis sa pandaigdigang merkado.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply