Rollback sa petrolyo ipatutupad mamayang hatinggabi

NAKATAKDANG mag-rollback sa presyo ng kanilang petrolyo ang Pilipinas Shell mamayang 12:01 ng hatinggabi (Nobyembre 6).

Base sa inilabas na anunsyo ng kompanya, P1.50 ang ibabawas sa halaga ng gasolina, 50 sentimos sa gaas, 70 sentimos sa regular gasoline at 15 sentimos naman sa krudo.

Magro-rollback din sa presyo ng kanilang petrolyo ang Flying V sa Lunes (Nobyembre 6).

Babawasan ng P1.50 ang presyo ng kanilang gasolina, P1 sa regular gasoline at 15 sentimos naman sa biodiesel.

Inaasahan na magpapalabas din ng kani-kanilang anunsyo para sa rollback ang iba pang oil firms.

Ang rollback ay bunsod umano ng pagbaba ng halaga ng langis sa world market.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply