Roof tagging scheme sa PUV sisimulan na

SISIMULAN na rin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang roof tagging scheme sa mga public utility vehicles.

Kabilang na rito ang mga FX, taxi, van at AUVs.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino, ang tagging scheme ay para madaling matukoy ang mga pampublikong sasakyan na lumalabag sa batas trapiko at para na rin maiwasan ang mga nagmamaneho ng colorum.

Ipinaalala ni Tolentino na ang naturang program ay nakatakdang ipa-implementa sa Disyembre 12.

Nabatid na una itong ipinatupad sa mga pambuplikong bus na karaniwang nasasangkot sa mga aksidente. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply