RP chessers sasalang agad sa SEAG

MALAKI ang pag-asa ang naghihintay na magandang pagbubukas sa kampanya ng Pilipinas sa 26th Southeast Asian Games matapos makatapat ang lowly Myanmar sa kanilang opening-round assignment sa Palembang, Indonesia.

Pinaboboran ng husto ang Pilipinas kontra sa Myanmar sa prestigious mixed pair chess competition.

Mismong sina newly-minted GM Oliver Barbosa (2571) at WIM Catherine Perena (2083) ang babandera sa bansa kontra sa koponan ng Myanmar na gagabayan naman nina FM Zaw Oo (2274) at May Hsu Lwin (2112).

Ang iba pang asignatura sa tambalan nina Barbosa at Perena ay ang tandem ng Indonesia nina GM Susanto Megaranto (2537) at WGM Irine Kharisma Sukandar (2350); Vietnam nina GM Dao Thien Hai (2505) at WGM Nguyen Thi Thanh An (2300); Malaysia nina IM Lim Yee-Weng (2253) at WFM Nur Najiha Hisham (1867) at Thailand nina Hansing Saphong (1886) at Taweesupmun Chanida (1826), ayon sa pagkakasunod.

Sa blindfold chess competition, magku-krus agad ang landas ni GM John Paul Gomez sa kababayan na si GM Darwin Laylo habang si 12-time national open champion GM Rogelio “Joey” Antonio Jr. ang kumuha naman ng bye sa first round.

Tampok naman si country’s top rated player GM Wesley So (2659) sa individual standard at blitz competition kasama sina Barbosa at GM Mark Paragua. Ang iba pang miyembro ng koponan kung saan ang coach ay si Asia’s First GM Eugene Torre ay sina reigning two-time national women’s open champion WNM Rulp Ylem Jose, WIM Beverly Mendoza, WNM Jedara Docena at WFM Cherry Ann Mejia. Liberty Icao

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply