Ruffa Gutierrez naghahabol kay John Lloyd Cruz?

TALAGANG usung–uso sa showbiz ang hiwalayan. Itong mag-syotang sina John loyd Cruz at Shaina Magdayao ay mukhang hiwalay na raw talaga pero ayaw lang nilang umamin na talagang may third party na sangkot. Pero hugas kamay agad si Ruffa Gutierrez dahil wala raw siyang kinalaman dito. Alam naman ng lahat na may namagitan sa kanila noon ni John Lloyd pero pinipigilan ni Bisaya ang anak.

00000

HINDI naman makapaniwala itong si Claudine Barretto na magagawa ng kanyang asawang si Raymart Santiago na mailabas ang ipon nila sa bangko na limang milyong piso at maubos agad ito. Rito raw nagsimula ang kanilang away at nagpasiya itong si Claudine na makipaghiwalay sa inaakalang makakasama for life na si Raymart. Malabo na raw na magsama pa sila dahil mga abugado na nila ang nag-uusap para sa problema na kanilang kinakaharap.

Nakapanghihinayang naman kung mauuwi lang sa hiwalayan ang kanilang relasyon na naging maganda naman ang takbo ng kanilang love story.

Dati nga, matatandaang ang tinuturo rati ng kampo ng namayapang aktor na si Rico Yan na dahilan ng hiwalayan nila ni Claudine ay si Raymart.

Mukhang ganito rin ang nagiging problema ng mag-asawang Raymart at Claudine kung saan ang mga isyu ay may lalaki si Claudine at si Raymart naman may babae.

Ano kaya ang totoo sa dalawa?

00000

ARAW-ARAW mapanonood ang Eat Bulaga sa Siyete kung saan ang isa sa mga patok na portions ay ang Juan For All, All for Juan, Sugod-Bahay. Sa rami ng kanilang sponsors marami rin silang mga kababayan nating natutulungan dahil katakot-takot na pera ang pinamimigay sa mga kababayan natin araw-araw. Kitang-kita naman ang tuwa ng mga contestant kapag nanalo sila.

Ang maganda pa nito, umiikot sila sa iba’t ibang barangay kaya marami ang kanilang napaliligaya. Kaya suportahan natin ang Eat Bulaga mula Lunes hanggang Sabado sa GMA-7.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply