Ruling ng SC dapat na igalang– solon

NANAWAGAN ang isang kongresista na igalang ang naging desisyon ng Supreme Court na nagbabasura sa motion for reconsideration ng Department of Justice.

Umapela si Cagayan Rep. Jack Enrile sa mga kritiko ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na irespeto naman sana ang desisyon ng SC.

“The Supreme Court has ruled, let us respect and follow the ruling.”

Naunang nanawagan ang kampo ni GMA sa Malakanyang na igalang ang Temporary Restraining Order.

Samantala, sa paghahain ng kasong electoral sabotage laban kay Gng. Arroyo ay sinabi ni Enrile na makabubuting ipaubaya na lamang ito sa tamang ahensya.

Hindi aniya makabubuti na makikisawsaw pa ang mga sector at indibidwal na wala namang kinalaman dito.

“As to the filing of an election sabotage case before the Pasay RTC against former President Gloria Macapagal Arroyo, et. al, we should let the process takes its own course.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply