Sa Diyos lang takot

MALAWAK at mabigat ang impluwensya ni Manny Pacquiao. Kahapon lang ay panalo na naman siya sa laban kay Juan Marquez.

Isang laban na pinanood sa buong mundo. Kaya nga may mga bulung-bulungan na tatakbo raw si Manny para Bise Presidente sa halalan sa 2016.

Kahit marami ang naging kontra noon sa pagpasok ni Manny sa pulitika, walang nakapigil sa kanya, nanalo pa rin dahil sa laki ng kanyang impluwensya.

Hindi biro ang mga taong gustong mapalapit kay Manny, mga sikat na showbiz personalities hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Mga Presidente, mga sikat na atleta at kung sino-sino pang tanyag na mga personalidad ang kilala si Manny at may opinyon tungkol sa kanya.

Matindi talaga ang impluwensya ni Manny at isa sa mga nakikinabang sa impluwensyang ito ang Simbahang Katolika.

Sa ipinakikita ni Manny na pananampalataya, nagiging inspirasyon siya ng mga debotong Katoliko.

Hindi miminsan na naging paksa ng mga komentaryo, mga dokumen taryo, mga balita at iba pa, ang nakagawian na ni Manny Pacquiao na magdasal sa simula ng laban at pagkatapos nito.

Ang pagluhod ni Manny sa ring, ang pag-a-antanda at ang paghahayag ng kanyang wagas na paniniwala sa Panginoon ay inspirasyon sa mga Katoliko.

Kahapon bago ang laban kay Marquez ay nagbitaw na naman ng pahayag si Manny – na sa Diyos lang siya may takot!

Hindi rin lingid sa kaalaman ng lahat ang debosyon ng kanyang ina at mga kapatid sa pananampalatayang Katoliko.

Ang nanay nya na si Aling Dionesia daw ay umikot sa buong Sarangani Province at sa General Santos City para pangunahan ang pagdarasal para sa kanyang anak.

Isa sa balita habang nakikipaglaban si Manny kay Marquez sa Las Vegas ay ang pagsisimba ng kanyang kapatid.

Kamakailan lang ay may napabalita na kumokonti na raw ang pumapasok bilang pari, kagabi lang ay may kwento sa TV tungkol sa isang madre na lumabas sa debosyon at naging GRO.

Si Manny ang pag-asa ng Simbahang Katoliko dahil sa kwento ng buhay ni Manny at ng kanyang pamilya ay patuloy na mananaig ang katatagan ng paniniwalang Katoliko.

Mabuhay ka Pacman. Congratulations!

Mag-text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag-email sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong saloobin at opinyon tungkol sa isyung ito.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply