Sa mga cheap bars sa Japan nagsu-show kung saan mga basurerong Hapon ang customers

NAKAAAWA naman itong dating pa-sweet na artista na naging sexy star. In fairness, sumikat siya sa paghuhubad na talaga namang lahat ng mga kalalakihan ay humanga sa kanyang alindog. Pero sabi nga nila sa showbiz, may katapusan ang career mo kapag pagpapaseksi sa pelikula lang ang talent mo kaya sa ngayon nasa Japan kuno ang sexy star na bansot na ito at ayon sa press releases, nagsho-show siya roon sa mga night club.

Totoo namang nasa Japan siya pero kumpirmadong sa mga cheap bars lamang kung saan ang mga customers ay ‘yung mga basurerong Hapon. Hehehe.

Ayon pa sa ating spy, maraming utang ito na kailangan bayaran kung kaya’t napilitang mag-Japan ang byuti nito.

000

MARAMING mga artista sa ngayon ang naghihirap kahit sa mga clubs ay nagsho-show. Isa na rito sina Gwen Garci, Maui Taylor at JC Parker na makikita mo ang mga pangalan nila sa mga labas ng clubs sa Roxas Blvd. at sa Angeles, Pampanga kung saan karamihan ng mga club sa mga nabanggit na lugar ay may mga bold shows. Ang masakit pa nito, gamit nila minsan sa mga booker ng show na Viva Hotbabes sila kaya nagagamit ang pangalan ng Viva Films sa mga raket nila.

00000

SHOW UP (Ang bagong game show ng bayan) dadayo sa Mandaluyong gym sa Nobyembre 20. Ang mga hosts rito ay sina Boobay, Chabilita, Jireh, Miko Aytona at Samantha Page. Mapapanood n’yo sa cable Destiny channel 5.

Tiyak na marami na namang sasali sa luto ng bayan na isa sa mga patok nilang portion lalo’t halos P50,000 ang pinamimigay ng nasabing show at ang inaabangan ng lahat ay ang cash blessing na pinamimigay ni Jireh sa mga taong nangangailangan ng tulong.

00000

ISANG paalala sa mga opisyal ng Bureau of Internal Revenue, bago nila husgahan ang mag-asawang Donna Villa at Carlo Caparas regarding sa paghahabol nila ng hindi tamang pagbabayad ng tax ay dapat mag-imbestiga muna silang maigi baka nga ang PCSO pa ang may utang sa kanila.

Sa aming pagkakaalam, kung minsan nag–aabono pa si Donna para sa promosyon ng show nila sa PCSO. Alam na alam yan ng mga media na hindi maramot sa pera sina Carlo at Donna, tapos mag-aakusa ang mga taga BIR nang ganyan? Ang dapat, magtanong–tanong muna sila sa mga taga–industriya kung gaano kabait ang mag–asawang ito.

00000

ANG Pinoy Henyo ang isa sa mga portion ng Eat Bulaga na nagbibigay ng mga impormasyon at kaalaman para mahasa ang isip natin. Araw-araw mapanonood ang Eat Bulaga sa siyete at ang patok na portion nilang Juan For All, All for Juan, sugod bahay na hatid sa inyo ng Coke, Puregold at Vaseline.

Sa rami ng sponsors, maraming Barangay sa buong Pilipinas ang natutulungan ng ating number noontime show dahil katakot-takot na pera ang kanilang pinamimigay sa mga kababayan natin. Kaya suportahan natin ang Eat Bulaga mula Lunes hanggang Sabado sa GMA-7.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply