Safety training para sa media practitioners gaganapin

SUNUD-SUNOD na gaganapin ang safety training para sa mga media sa Rehiyon 12 kasabay ng paggunita sa ikalawang anibersaryo ng Maguindanao Massacre.

SImula ngayon hanggang bukas (Nobyembre 19) gaganapin sa lungsod ng Cotabato ang isang safety training para sa mga mamahayag na dadaluhan ng mga mamahayag mula sa General Santos, Kidapawan, Koronadal City at Sultan Kudarat.

Samantala sa Nobyembre 21 naman gagawin sa lungsod ng General Santos ang isa pang training na dadaluhan naman ng mga mamahayag mula sa buong rehiyon.

Kasama sa training ang mga opisyal ng National Union Journalist of the Philippines (NUJP) na mangunguna sa training na naglalayon na madaling malaman ng mga media ang bawat papel nito sa mga trabaho at ‘di na maulit ang Maguindanao Massacre. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply