Sakit ni GMA ayaw ipagdasal ng mga Obispo

IGINIIT ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na hindi sila makikialam sa kasong electoral sabotage na kinakaharap ngayon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay Monsignor Juanito Figura, outgoing CBCP president, ipapaubaya nila sa batas ang desisyon kung tunay nga bang nagkasala ang dating pangulo o hindi.

Tumanggi rin ang mga Obispo ng CBCP na ipagdasal si GMA na ngayon ay nakararanas ng malubha at iba’t ibang sakit.

Ipinaliwanag ni Figura na tumanggi silang ipagdasal si GMA upang maiwasan ang mga ispekulasyon na may pinapaboran ang CBCP.

Dagdag pa ni Figura, sa halip na ipagdasal si GMA ay nananawagan ang CBCP sa sambayanang Pilipino na pangkalahatang ipagdasal ang kasalukuyang lagay ng pulitika sa bansa.

Samantala, kung dati ay regular na nagpapalabas ng pastoral statement ang mga obispo, ngayon ay wala rin silang nakikitang dahilan para mag-isyu ng mensahe kaugnay sa lagay ni GMA.

Aminado ito na wala sila sa posisyon para magkomento sa bangayan ngayon ng hudikatura, lehislatura at ehekutibo hinggil sa sitwasyon ng dating pangulo, na ngayon ay kinatawan din ng ikalawang distrito ng Pampanga.

Nasa hukuman na rin electoral sabotage case ng dating pangulo kaya marapat lamang na irespeto kung anuman ang magiging pagpapasya ng hukuman sa kaso.

Gayunman, hinihikayat ng CBCP ang mga kinauukulan na maging patas at pairalin ang konsensya sa pagdedesisyon sa asunto laban kay GMA.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply