Sakit ni GMA ‘sisiw’ sa PMA

MARIING ipinagmalaki ng Philippine Medical Association (PMA) na maliit na bagay lamang at kayang-kayang pagalingin ang karamdaman ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ito ang kumpiyansang pahayag ng hanay ng hinggil sa karamdaman ni Ginang Arroyo na nagpapasuri sa Saint Luke’s Medical Center, Taguig City.

Ayon kay Dr. Atty. Leo Olarte, Convener ng PMA, ibinida nito ang mga ekspertong manggagamot sa Pilipinas na maaring makatulong sa paggamot kay Ginang Arroyo.

Hindi na rin kakailanganin na mag-abroad pa ang dating Pangulo dahil may kakayahan naman ang mga doktor sa Pilipinas na resolbahin ang sakit nito.

Kasabay nito, itinanggi ni Olarte na ang kaso ni GMA ay kauna-unahang gagamutin sa bansa.

Iginiit nito na hindi lang si Arroyo ang may ganitong sakit dahil marami na silang naging pasyente na may hypo-parathyroidism at naoperahan sa leeg. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply