Sakit sa cervical spine ni GMA lumala

BUKOD sa pagpapagaling ng inoperahang gulugod ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, kinumpirma ng mga sumusuring doktor dito na may panibagong problema sa likod si Gng. Arroyo.

Ayon kay Atty. Raul Lambino, legal spokesman ni dating Pangulong Arroyo, pinayuhan ito ng kanyang mga doktor na kailangan nitong humiga na nakalatag ang likod sa kama sa loob ng 48 oras.

Dagdag pa nito, batay sa resulta na lumabas sa isinagawang Magnetic Resonance Imaging (MRI) scan kay Gng. Arroyo, bumababa sa ibang bahagi ang sakit nito sa gulugod kung saan ay matatandaang tatlong beses na sumailalim sa operasyon ang dating Pangulo.

Ayon pa kay Lambino, nakausap din nito ang mga doktor na sumusuri sa kanyang kliyente na umaabot na sa halos 25 piraso ng iba’t ibang gamot ang iniinum nito araw-araw dahil sa kanyang mga nararanasang sakit.

“Sa ngayon nakakatayo naman si Ginang Arroyo ngunit bihira lamang dahil sa panghihina ng katawan niya kaya’t lagi siyang nakasakay sa kanyang wheelchair” ani Lambino.

Idinagdag pa ni Lambino na na ikinatuawa naman ni Gng. Arroyo ang naging desisyon ng Pasay City RTC na payagan siyang manatili sa ospital.

Bukod pa dito aniya, posibleng hihirit din ang dating Pangulo ng “house arrest” sakaling pahintulutan na ito ng kanyang mga doktor ma makalabas ng St. Lukes Medical Center Global City Taguig.

Sinabi pa ni Atty. Lambino na sa ngayon ay nasa state of depression si Gng. Arroyo dahil sa kanyang kinakaharap na kasong electoral sabotage.

“Ilang araw na din hindi nakakain ng maayos ang dating pangulo kaya mas lalo itong pumayat ngayon kumpara noong huli siyang makita ng publiko sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kaugnay nito, hindi muna maglalabas ng medical bulletin ang St. Lukes  Medical Center Global City Taguig kaugnay sa kalagayan ngayon ni dating pangulong Arroyo matapos sumalilam sa “hospital arrest.”

Ayon kay Marilen Lagniton, tagapagsalita ng St. Lukes Medical Center, hindi na muna sila maglalabas ng medical bulletin dahil ididiretso na nila korte ang medical updates ni Gng. Arroyo.

Nauna nang inihayag ni Dr. Juliet Gopez-Cervantes, attending physician ng dating Pangulo, na may anorexia na ang kanilang pasyente habang naka-hospital arrest na ito.

Ayon kay Cervantes, resulta ito ng kawalan ng ganang kumain at kakulangan sa pag-inom matapos hindi natuloy ang biyahe sa Singapore ni Gng. Arroyo upang magpagamot dahil sa pagharang ng Department of Justice (DOJ) at Bureau of Immigration (BI).

Inamin din ni Cervantes na dehydrated ang dating Pangulo at madalas tumaas ang presyon nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply