Sako-sakong blasting caps narekober ng PCG

NAREKOBER ng Philippine Coast Guard (PCG) ang saku-sakong blasting caps sa Calbayog City Port sa Western Samar.

Una rito, ay nagsagawa ng foot patrol operations ang mga tauhan ng Philippine Ports Authority (PPA) noong Linggo ng umaga at nakita ang mga abandonadong sako.

Nang siyasatin ng PCG ang mga sako, nadiskubre na ang mga ito ay naglalaman ng 35.5 kilo o mahigit 27,000 piraso ng blasting caps na tinatayang ginagamit sa illegal fishing.

Nabatid na ang bagahe ay nakapangalan sa isang Mary Ann Bacho, na nakadeklarang various cargo sa MV Pilipinas Dinagat passenger cargo vessel na galing sa Cebu City.

Nasa pag-iingat na ngayon ng PCG-Calbayog ang mga narekober na kargamento.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply