Sako-sakong dehusked nuts nasamsam sa Samar

SAKO-SAKONG dehusked nuts na nagkakahalaga ng P522,000 ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa isinagawang joint operation ng Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Coconut Authority (PCA) sa isang barko sa Samar.

Nagsanib puwersa ang PCG Detachment Allen, Coast Guard K9, Coast Guard Special Operation Unit at PCA Allen Northern Samar sa kaugnay sa report ng iligal na transportasyon ng dehusked nuts.

Ang mga nasamsam na dehusked nut ay sakay umano sa isang ten-wheeler wing van Jerola trucking (UVA-992) ang isasakay sa MV Melvin Jules na naka-anchor sa Barangay Looc, Balwharteco Pier, Allen, Northern Samar.

Ang barko ay may biyaheng mula Allen, Northern Samar patungong Matnog Sorsogon (vice versa) kung saan nakasakay ang nasabing truck.

Nang iberipika at inspeksyunin ang dokumentong ibinigay ng drayber, nabatid na dinoktor lamang  ang permit nito kaya pinigil ng Coast Guard ang pagsakay ng nasabing truck sa MV Melvin Jules at dinala ito sa PCA Quarantine Office sa Allen, Northern Samar.

Dito rin nadiskubre na ang laman ng truck ay di mabatid na bilang ng sako ng dehusked nuts na umabot ang sa nabanggit na halaga.

Kinumpiska ang kargamento kasama ang truck na ginagamit sa iligal na transportasyon at dinala rin sa Provincial Office sa Catarman, Northern Samar para sa proper disposition.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply