Salot na pergalan sa R4-A

HINDI magkamayaw ang Chokepoint tungkol sa reklamo ng ating mga masusugid na tagasubaybay riyan sa Region 4-A.

Sa nakaraan nating kolum, ilang beses nating tinalakay ang sumbong ng mga taga-Lipa City na lantaran ang operasyon ng iba’t ibang uri ng iligal na sugal.

Pero ang ating puna at pagbubulgar tungkol sa mga iligal na ito na idinaing sa Chokepoint ng mga Batangueño ay nananatiling walang aksiyon mula sa kinauukulan.

Ilang beses na rin nating tinatawagan ng pansin si  Lipa City Mayor Meynardo Sabili tungkol sa daing ng kanyang mga kababayan pero, tila, himbing na himbing sa pagkakatulog na dala yata ng pagkalasing sa kapangyarihan ang mama.

Pansamantala nating iwan ang Lipa at talakayin naman natin ang reklamo naman ng mga residente sa lalawigan ng Cavite.

Kung sa Lipa City, anila, ay namamayagpag ang STL con jueteng nina Carling at Mendoza at video karera ni ‘Toper Javier’, sa Cavite parang ka-bute naman daw na nagsulputan ang pergalan (perya at sugalan).

Ang ikinagagalit ng mga residente, lalo na ang mga magulang, eh, ang mga nasabing pergalan ay front lamang daw ng mga iligal na sugal.

Sa mga pergalan na ito, kuwento nila, ay lantaran ang operasyon ng sakla, skylab, kara y cruz, beto-beto at iba pang klase ng sugal.

Para sa kaalaman ni Cavite PD S/Supt. John Bulalacao, ito ang mga may-ari at lugar ng mga pergalan sa kanyang nasasakupang lalawigan.
Egay Tejero, Epza; Jessica, Jolibee, Dasmariñas; Boknoy, GMA at palengke; Melchor, Naic; Emily/Zaldy, Ternate; Carlie, Indang; Jose Vildivar, loob at Tanza; Pando Santol, Tanza; Jeff Lambingan, Tanza; Efren at Piping, palengke Dasmariñas; Charlie, Guyam, Indang; Max, city market, Tagaytay; Charlie, Cape Riza, Tanza at Fe, Maguyam, Silang, Cavite.
Pati simbahan ay pinupuna rin ang biglang pagkalat na ito ng pergalan sa probinsyang ito na kung tawagin ay lalawigan ng mga bayani.
Col. Bulalacao, sir , sana’y ‘di ka tulad ni Mayor Sabili na pakiwari natin, eh, bulag, pipi at bingi sa nangyayari sa kanyang lungsod.

Tingnan natin kung kikilos si Colonel. Abangan!

Dahil kung ‘di siya aaksyon, ano ang iisipin natin kundi alam ni colonel ang operasyon ng mga pergalan na ito?

At kung alam ni colonel, alam n’yo na kung ano ang ibig kong sabihin.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply