Salvage victim natagpuan sa Caloocan City

NATAGPUAN ang isang hindi pa kilalang lalaki na sinasabing sinalvage sa Caloocan City Biyernes ng madaling araw.

Inilarawan ang biktima na may taas na 5’5” hanggang 5’7,” may katam-tamang pangangatawan, nakapulang shorts at itim na t-shirt.

Sa ulat, dakong alas-5:45 ng madaling araw nang makita ang bangkay ng biktima sa C-3 Road ng lungsod.

Agad na itinawag sa pulis ang pagkadiskubre sa bangkay na may balot ng masking tape ang mukha, nakagapos ang mga kamay at paa at laslas ang leeg.

Nagsasagawa na nang follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply